Minsan may maririnig kang mga tunog o hiyaw, na mapapatanong ka; “pusa ba ‘yon o bata?” Minsan may makikita kang dalawang taong magkasama, na magtataka ka; “mag-ama ba ‘yon o mag-jowa?” At kung minsan din may madarama kang mapapatigil ka na lang at mapapatulala sa tuwina; “pag-ibig na ba ‘to o pagkakaibigan lang?”
Ngunit sa lahat ng mga tanong na ito, sa ingay ng mga tunog, sa dilim ng pagtataka, sa gitna ng tahimik na mga hiyaw, sa liwanag ng pagtulala, sa nakakabinging nadarama... Ano bang pagkakaiba? ano bang pagkakaiba? Sa lahat ng ito, pag-ibig ay mapapakinggan. Sa lahat ng ito, pag-ibig ay maaaring makita. Sa lahat ng ito, pag-ibig ay mararamdaman. Ano nga bang pagkakaiba?
Maybe the reason why I'm not desperate to have a boyfriend is because the love of my friends for me are more than sufficient 🥹