Ang panahong itoy babalik pa ba? tanong ko muli Huling salitang iniwan sa taong iniibig ''Oo maghintay ka lang'' sabi niya pabalik Saad niyang aki'y ikinananabik Hihintayin ang tamang panahon na ito na muling magbalik, Ako'y umaasa at nag hihintay Nag aabang sa oras na tayo'y muling maglalakbay, Umaasang matutupad mo ang iyong pangako Nang di masayang itong oras ko, Nalulungkot ng ika'y umalis Kahit sa ikabubuti natin itong nais, Ilang pahina na ang nasayang Para sa panahon nating gayon din ay nasasayang, Aking hiling bago mag tapos ang pahina ng buhay ng libro ko Ay sana'y bumalik ka at mahalin mo ulit ako.