Kamusta ka na aking liyag Nawa’y ayos ka lang kung saan ka nag lalayag Hindi madaling mag-isa Lalo’t sa ganitong gabi ikay nag iisa
Alam kong hindi madali ang iyong ginagawa Kaya, sa tuwing iyong nagagawa Ika’y mag tiyaga, mag tiwala Walang humpay makuha lang ang tagumpay
Hindi mo pa man ako kilala ng lubos Eh, handa naman akong mag pakilala sayo kahit laway maubos Nag simula ang istorya sa taas ng kandila Hinde matatapos kahit upos nito’y mawala
At hanggang sa iyong pag-uwi Makapag pahinga ka muli Pahingang karapat-dapat sayo Kaya sinta, kontento kahit nakatingin lang sayo