Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2024
(𝘒𝘧𝘡𝘦𝘳 𝘊𝘩𝘳π˜ͺ𝘴𝘡π˜ͺ𝘒𝘯 π˜™π˜’π˜Ίπ˜―π˜¦π˜³π˜’)

May bakas ng relihiyon sa bawat kalsadang nilakaran mo. Dito sa siyudad kung saan tila naghahari ang diablo, mga dinaanan mo ang sandigan, mga pinuntahan mo ang paniniwalaan, aawitan, papupurian.

Dito, naglakad kang matapang. Nag-lamyerda kang para bang hindi ka baguhan at dayuhan. Walang pag-iingat, o walang pag-aatubili. Na parang naglalakad ka rin sa pananampalataya sa ating Diyos.

Tanong at dalangin ko lagi’t lagi: mararating ba natin ang oras? O ang hanggahan? (o kung may hanggahan nga ba ang oras sa tuwing magkasama tayo? Hindi ko alam, kung may konsepto ng oras sa langit.) Umuwi ka bang nakadiskubre ng buntalang may posibilidad ang pag-iral? Ngunit hindi mo pa ito pinapangalanan, hindi mo pa inaari.

At hindi natapos ang pagiging sagrado ng mga espasyo noong nakaalis ka na. Sa pagitan ng dagat Pasipiko at Mediteranyo, ang panalangin ko ay makakarating sa’yo, mga dasal ko’y hahalik sa katawan mo, dadapo sa silid **** hindi ko pa nararating, at dito, kasama kita, kahit hindi kita kasama.
Louise
Written by
Louise  Philippines
(Philippines)   
68
 
Please log in to view and add comments on poems