Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2024
Maaaring nagsisinungaling ang mga makata.
Nalilimutan ko na ang tunog ng iyong tawa.
Pinipilit maalala ang iyong tinig sa tuwina.
Tulungan mo akong maalala.
Baka nga sinungaling ang makata.
Inuukit sa isip ang mga salitang binitawan.
Binabaybay sa tula, binubuo sa iyong wika.
Tulungan mo akong gunitain ka.
Baka nga isang krimen ang sumulat ng tula.
Kada letra ay lenggwaheng naglalakbay,
Kada pahina ay anod na di matatangay.
Tulungan mo akong lumutang.
Baka nga kriminal ang maging makata.
Nalulunod sa tinta ng pagkalumbay,
sa ilalim ng alon ng paghihintay.
Tulungan mo akong tumula.
Maligaya at mapagpalayang Pambansang Araw ng Pagtula! πŸ‡΅πŸ‡­πŸͺΆπŸ“œ
Louise
Written by
Louise  Philippines
(Philippines)   
  187
   elle and brooklynn
Please log in to view and add comments on poems