walang tigil na naman sa pagluha ang langit. hampas ng hangin ay tila galit na matagal nang itinimpi, at ang mga paghikbi nitong ihip ay hindi maikubli.
at gaya ng mga nagdaang araw, itong sandali ay wala rin namang pinagkaiba; pasan-pasan ang mga bigatin at lumbay ay kapiling hanggang sa makaidlip.
kailan kaya magigising na hindi na hapรด mula sa pagtakas sa masamang panaginip?