Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 17
Paano huminga sa panahong ipinagdadamot sa'yo ng kapalaran ang maayos na hangin?
Paano huminga kung ang kapalit ay pighati sa iba?
Paano huminga kung lungkot lang din ang mararamdaman?
Paano huminga kung bawat hibla ng hangin ay kabawasan ng 'yong lakas?

Kailangan ko bang magbago para sa iba?
Ito ba talaga ang kailangan ko para makahinga ng maayos?
Hindi ba ito ay isang paraang ng pagsakal sa pagiging ako?

Paano ako hihinga sa isang lugar na sumasakal sa aking pagkatao?
Paano ako hihinga kung ang mga tao sa paligid ay hindi ako maintindihan?
Paano ako hihinga sa oras ng pighati?
Paano ako hihinga sa hangin ng iba?

Panahon na ba para mag-isip?
Dapat pa ba ako rito?
Hanggang saan at kailan pa ang dapat hintayin?
Dapat na siguro akong huminto
Sarilinin ang iniisip
Hayaan ang mundo na umikot sa kung saang hindi alam
At, hayaan ang mga mapanghusgang sila


[07.12.2017]
[edited - 09.17.2024]
--
Written by
Akosijissa
46
 
Please log in to view and add comments on poems