Bawat gabi, buwan ay palaging sumisipot, Puso ko'y sugatan, hindi makatulog. Sa mga nakaraang nais kalimutan, Hindi tumitigil, para bang walang katapusan.
Pero sa bawat paghinga, sino ba ang tinatanaw? Napaisip ako, ikaw pala aking minamahal. Makita lang kita, pait ng kahapon ay nawawala, Pag ibig kong ito, lalong lumalala.
Boses mo ay tila mga awit, Sa sakit kong ito, ikaw ang nagpapagaling. Mga yakap mo lang ay maramdaman ko, Tingnan mo sinta, mga sakit ko'y naglalaho. Kahit malalim man ang sakit, Ikaw lang sinta ang nagpapagaling. Kaya sa puso kong ito, Ikaw ang tunay na damdamin.
Kaya't sa pagdating ng gabi, Asahan **** ako'y magmamaliw Sa mga labi **** matatamis.
Kaya tandaan mo sinta, ikaw ang lunas sa sakit na kirot, Aking mahal, ikaw ay aking gamot.