Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
May 27
Kumain ka na ba?
Anong oras na.
Oras na para kumain.
Umupo ka na, 'wag mahiya.
Para sa'yo lahat itong nakahain.
Isang oras lang.
Pero busog ka na ba?
Isang oras pa.
Merienda lang, mahal.
Kahit pa hanggang almusal.
Pasensya ka na, ito lang ang hiling.
Hindi na nanaisin pa na ito'y patagalin.
Pwede na ba akong umalis?
Hindi na aasamin na lalong magkamali.
Boses mo ang siyang multo at baon ko.
Ang mga mata ko'y suki ng alaala mo.
Mali ang ito'y piliting maging tama.
Tama na siguro ang muntik na.
Plato at kubyertos ay iligpit na.
At ang basura ay aking susunugin na.
Kutsara at baso ay itago na.
At ang alaala natin ay kalimutan na.
Merienda cena, hindi na sana.
Louise
Written by
Louise  Philippines
(Philippines)   
100
 
Please log in to view and add comments on poems