Lumalalim na ang gabi Malamig ang simoy ng hangin Ikaw lamang ang nais kong makatabi At ang aking gustong makapiling Oh, paligaw-ligaw tingin Ikaw lamang ang tanging minimithi
Ayoko munang umuwi Dito ka muna sa aking tabi Ayoko nang sa iyo ay mawalay pa Huwag mo na akong iwan pa
Huwag muna tayong umuwi Kay sarap pagmasdan ng buwan ngayong gabi Hawak ang iyong kamay at lasap ang preskong hangin Ngayo'y nadinig na aking panalangin
Kay sarap pagmasdan ng mga tala Singkislap ng iyong mga mata Hawakan mo lamang ang aking kamay At tayo ay nakatingala sa alapaap Ikaw lamang ang aking sinisinta, aking pinapangarap Ang aking minahal ng tunay
Sapagkat hanap ng puso ko'y ikaw At wala nang iba pa Dahil mahal kang talaga Ibubuhos lahat ng pagmamahal at oras sa iyo Habang ako ay nandito pa sa mundong ibabaw Ako ay nangungulila sa tuwing tayo ay magkalayo
Sa iyo lamang ako uuwi Sa iyo lamang ako mananatili Ikaw lamang ang aking nag-iisang, sinisinta