Alam kong hindi ang pangalan ko Ang unang tatawagin mo, Ang unang bibigkasin mo, Ang maaalala mo.
Alam kong hindi ang pangalan ko Ang unang papasok sa isip mo, Ang unang maiisip mo Sa tuwing naririnig mo ito.
Alam kong hindi rin ang pangalan ko Ang lagi **** bukambibig sa mga kaibigan mo, Hindi rin ako ang laman ng mga kwento mo, Ang una **** matatakbuhan sa tuwing may problema ka.
Mas lalong hindi ako ang hanap-hanap ng mga mata mo, Ang kinababaliwan mo, Ang magiging kabiyak mo sa tamang panahon. Hindi lang ako naglakas ng loob na sabihin sa’yo noon.
Na gusto kita. Hindi ko naman ginusto na magkagusto sa isang katulad mo, Hindi ko naman pinilit o para bang ako ay nagpabaya, Ngunit alam ko, na hindi magiging ako.
Ang una **** tatawagan sa tuwing nag-iisa ka, Alam kong hindi ang text o tawag ko ang una **** sasagutin. Hindi rin ito ang laging inaabangan mo, Alam kong kung paano mo ako tingnan ay iba.
Iba kung paano mo siya tingnan, Iba kung paano mo siya mahalin, Kung paano mo siya alagaan, Alam kong hindi ako ang mundo mo.
Ngunit huwag mo nang pangarapin pa Na mamahalin ka rin niya, Ngunit hindi naman pala. Ngunit, alam ko na hindi na pala ako.
Ang unang iikot at tatakbo sa isipan mo araw-araw, Alam kong hindi ako ang iniisip mo araw-araw. Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin, Alam kong parang kapatid lang ang pagtrato mo sa akin.
Alam kong hindi ang kamay ko ang unang hahawakan mo, Alam kong hindi ako ang unang lalapitan mo At unang hahanapin mo pagkadilat ng mga mata mo. Alam kong hindi ako ang unang yayakapin mo.
Alam kong hindi ako ang una o kahuli-hulihan na liligawan mo. Alam kong hindi ako—oo, Noong una pa lang alam ko na, Na hindi ako ang tinitibok ng puso mo.
Ang iyong unang sinisinta, Alam ko noong una pa lang Tinatak ko na sa isipan ko Na wala akong puwang ni minsan man diyan sa puso mo.
Alam kong ang bawat pagtingin mo sa akin Ay iba sa kung paano mo siya tingnan. Siguro, naisip mo rin na habang tinitingnan mo ako, Ay siya ang naiisip mo.
Kung paano mo siya kausapin, Kung paano ka magmalasakit sa kanya, Kung paano mo siya tratuhin— Ay iba sa lahat, nabubukod-tangi nga ba sa iba.
Ni minsan hindi ko inisip o hiniling Na ibalik mo sa akin ang pagmamahal na ipinaramdam ko sa’yo. Ni minsan hindi ako nagdalawang-isip na katukin yang puso mo.
Baka sakali lang matanggap at mahalin mo rin ako. Baka sakali maisip mo rin na bigyan ako ng pagkakataon. Ni minsan hindi ako humingi ng kahit anong kapalit. Ni minsan hindi ko inisip na habulin ka.
Na lumuhod sa harap mo at magmakaawa, Dasal lang ang kakampi ko. Na sana huwag kang magmahal ng iba, Na sana walang ibang naghihintay sa’yo.
Na sana ako na lang ang mamahalin mo, Na sana dinggin na ng Panginoon ang hiling ko. Alam ko na hindi ako ang gusto mo. Noong una pa lang alam ko na.
Kahit hindi mo sabihin, Ramdam ko naman Ang mga panlalamig na trato mo sa akin, Ang pagbabalewala mo sa akin.
Alam kong kahit kailan wala akong laban sa kanya, Kahit kailan hindi kita magawang pilitin. Ayaw kong ipilit sa’yo na ako ang piliin Dahil alam kong siya ang gusto mo.
Alam kong hindi para sa akin ang mga ngiti mo, Alam kong hindi ako ang gustong makausap mo, Alam kong hindi ako ang gusto **** makasama, Ang gusto **** makitang tumawa.
Kahit kailan hindi ako magiging siya, Kahit kailan hindi ko kayang palitan siya Diyan sa puso mo. Kahit kailan hindi ko magawang turuan ang puso mo
Na ako ang mahalin mo, Na ako ang pipiliin mo. Kahit kailan hindi ako ang nakikita mo Sa tuwing magkasama tayo.
Hiniling mo na sana siya na lang ang kasama mo, Na sana siya na lang ang nakausap mo At ang nakakaintindi at nakikinig sa’yo. Kailanman magkaiba kami.
At kahit bali-baliktarin man natin ang mundo, Kahit ikumpara mo man ako, Hindi siya magiging ako At hindi rin ako magiging siya.