Singkislap ng mga tala ang iyong mga mata Sa tuwing ikaw ay nakatingin sa akin Sa tuwing tayo ay magkasama Anong saya aking nadarama
Di ko maipaliwanag Sadyang aking mundo’y lumiliwanag Ibubulong ko na lamang sa hangin Ang aking nararamdaman na hindi ko maamin
Aking mahal, sana ay ikaw na nga Ang aking makakasama hanggang sa pagtanda Sana ay ako lamang ang iyong mamahalin Ikaw lamang ang aking mahal
Ikaw lamang ang aking minamahal At ikaw lamang ang aking mamahalin Ikaw lamang ang aking mahal, minamahal at mamahalin, sinta At wala nang iba pa
Hindi man kita kasama araw man o gabi Walang ibang papalit sa’yo dito sa puso ko Ikaw lamang ang aking gustong makatabi At sa iyo lamang umiikot aking mundo
Saksi ang Panginoon sa ating pagmamahalan Dahil alam niyang sa iyo ako nakalaan Ito ang iyong pakatatandaan Na kahit ako ay magkamali man, pangakong hindi kita sasaktan
Singdami nang mga tala ang mga taon Na gustong tayo ang magkasama hanggang sa huli Kahit na tayo man ay magkalayo ngayon Alam kong makakasama’t mahahagkan kitang muli
Sana ay pagbigyan ng panahon Kahit sa gabi lamang ikaw ay makatabi
Ikaw lamang ang aking mahal Mula noon hanggang ngayon Ikaw lamang ang aking minamahal Mula noon hanggang ngayon
Ikaw lamang ang aking mahal Ang aking minamahal At aking pipiliing mamahalin Sana ay ako rin