Mananatili akong sa’yo hanggang dulo Kung hindi man maging tayo, Hanggang sa huli Kahit ang Panginoon, ang mga tala at buwan sa kalangitan ang saksi;
At hindi ko kailanman maikubli Kung ano ang nararamdaman ko para sa’yo.
Mananatili akong sa’yo, sa mga oras na kailangan mo ako Sa mga araw na wala kang masasandalan Ako ang kanlungan mo Ang iyong maaasahan
Mananatili sa iyong tabi Kahit sa mga gabing hindi ka mapakali, Sa’yo lang ako naging sigurado Sa’yo lang ako naging kuntento,
Mananatiling sa’yo Sa’yo hanggang dulo;
Pero hindi payapa ang aking mundo kung wala ka Mahal, ikaw ang aking pahinga, ang aking payapa, Sa mga panahong ako ay pagod at gustong mapag-isa Sa iyong piling, ikaw ang aking tahanan
Ikaw ang aking magpakailanman Ang aking tahanan Ang aking masasandalan Ikaw at ako’y nasa kanluran
Ang iyong mga kamay ang aking gustong hawakan Ang iyong tinig ang aking gustong marinig Ikaw ang aking kasiyahan sa mga araw na ako ay nalulumbay; At ikaw lamang ang aking mamahalin habangbuhay.
Hindi kita papalitan Hindi kita bibitiwan, Hindi kita susukuan Mananatili akong sa’yo,
Hindi kita iiwan Dahil ikaw ang aking ligaya, Ikaw lamang ang nag-iisa Mananatili akong sa’yo.
Huwag kang mag-alala Hindi ako mawawala; Sasamahan kita kahit saan man tayo mapunta Basta’t ikaw ang aking kasama.
Ikaw ang natatangi Ang kailanman na hindi ko kayang itanggi, Ikaw at ako’y isinulat sa mga bituin sa kalangitan At dahil sa ating wagas na pagmamahalan;
Hindi kita ikakahiya Ipagsisigawan sa buong mundo Kung gaano kita kamahal sinta At dahil ang puso ko’y sa’yo.