Ilang beses bang dapat masaktan upang matauhan? Ilang beses bang dapat masaktan upang ikay matutong sumuko sa laban? Alam ko na ika’y sobra nang nasasaktan pero bakit di mo parin siya magawang iwan?
Di ka naman bulag sa katotohanan Pero bakit kaba nagtatanga-tangahan Niloloko ka na nga nang harap harapan Ikaw pari'y nabubulagbulagan
Hindi ka pa ba nagsasawang paulit-ulit msakatan? Na palagi nalang ikaw ang luhaan? Alam **** sa inyong dalawa ikaw lang ang lumalaban Ngunit bakit baa yaw na ayaw mo siyang bitawan?
Gaano ba ka hirap sayo ang pag bitaw? Sobrang hirap ba kaya di mo magawa? Nasasaktan ka na nga Durog na durog na nga ang puso mo't kaluluwa Ngunit ang pagbitaw ay di mo parin magawa
Paulit ulit **** sinasabi “hayaan mo na” Mahal na mahal ko siya kaya hindi ako susuko sa kanya” Mahal na mahal mo siya kaya ka ba nagpapakatanga? Kaya ka ba nagpapaka gaga?
Kaya **** isakripisyo lahat para sa kanya Pinaglaban mo siya Pero ikaw ni minsan di niya nagawang ipaglaban ka Kaya tama na pwede ba? Wag ka ng magpakatanga pa
Di ka sundalo na Lalaban kahit nasasaktan na’t sugatan Hindi ka naman laruan pero bakit mo hinayaan na ikay kanyang paglaruan? Wag mo nang hawakan kung sobra ka nang nasasaktan Matutong bumitaw kung ikay sobra nang nahihirapan