Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2021
Sa t'wing pinagmamasdan ko
ang mapayapang pag-alon ng tubig sa asul na dagat,
naalala kita.

Sa t'wing dadampi sa'kin
ang malamig na simoy ng hangin,
naalala kita

Sa t'wing tatama sa aking mga balat
ang malinaw na tubig ng karagatan,
naaalala kita

Ang kapayapaang dala sa'kin ng mga iyon
ay nagpapaalala kung gaano kagaan
ang pakiramdam na iyong dala

Ngunit napagtanto kong,
hindi araw-araw ay kailangan kita
hindi palagi'y kailangan ko ang 'yong presensya

Hindi araw-araw kailangan kong ilublob
ang aking mga paa at hintaying lumapit ka
upang alisin ako sa pagkakalunod
sa kalungkutang nadarama

Hindi dapat ako umasang sasagipin mo ako
sa mga oras na nanghihina at 'di makatayo
dahil kailangan kong humakbang mag-isaβ€”
at maging matatag kahit hindi ka na kasama

Masakit panigurado,
pero iyon ang hinihingi ng mundo
Ang isuko natin ang laban na ito
dahil hindi lahat ay dapat ipanalo

Palayain na muna natin
ang ating mga sarili sa ngayon
Dahil alam kong magtatagpo ulit
tayo β€” pagdating ng panahon.
Miru Mcfritz
Written by
Miru Mcfritz  28/M/metro manila
(28/M/metro manila)   
424
   MS Anjaan
Please log in to view and add comments on poems