Ako ay mandirigma sa ibabaw ng lupa Ang kalasag at baluti ko ay di nila makita Ang aking pananggalan ay di magigiba At ang aking tabak ay may talim na magkabila
Ako'y walang tigil sa pakikidigma Sa mga kaaway na walang habas kung gumiba Ng mga templong ang nais sa kaligayahan ay humiga Mga templong di alam ang pakikidigma
Mga kalabang hindi mo nga makikita Ngunit nasa harapan kung sarili ang nakikita Hindi na siguro bago ang ganitong balita Na ang kalaban sa harap ng salamin mo lang makikita
Dumarating ang araw na ako'y nadarapa At ang palakol ay nakatutok sa katawan ko'ng nakahiga Ngunit Ikaw ang pananggalan ko'ng di nga magigiba Inaahon mo ako upang alisin ang putik sa pagkadapa.