Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2021
Natatanaw nga ang mga tanda sa kalangitan
At kung maaliwalas ay babalik sila sa kagawian
Kung kumulimlim nama'y magsisi-taguan
At magdaramit ng sako at uupo sa abuhan

Sasabihin ng isa "ako'y matutulog muna panandalian,
Hihipan upang patayin ang aking ilawan
Sapagkat ang pinuno'y tiyak na yata ay matatagalan
Kung dumating siya doon ko na lamang sisindihan

Ang tapat ay magniningning sa dilim at liwanag
Wala man makakita ay patuloy siyang masipag
At siyay maghihintay ng taimtim at panatag
Sa kanyang Panginoon na nagbibigay liwanag

-JGA
Pusang Tahimik
Written by
Pusang Tahimik  28/M/Quezon City, Philippines
(28/M/Quezon City, Philippines)   
414
 
Please log in to view and add comments on poems