Sa kalawaka'y mag-isa sa dilim Hinahanap ang makulay **** ningning Nasaan ka, O aking bituin Magliyab ka't agawin yaring paningin
Nariyan ang bilyong makulay na bituin Mapaglaro sa mata at nais kang aliwin Ano't tila nakapako sayo ang aking paningin Kahit na ang mga mata ay waring nakapiring?
Nasaan ka, O aking bituin? Huwag ilihim sakin ang yo'ng ningning Ilang siglo pa ba ang aking lalakbayin Upang matagpuan ang makulay **** ningning.