Tahimik na kalangitan Buo ang mga ulap Maaliwas, o kay sarap pagmasdan Maliwanag, walang dilim na maaninag
Mga ibong humuhuni malaya't maligaya Linilibot ang kalangitan punong puno ng kalayaan, sinasariwa ang preskong hangin'g bigay ng kalikasan.
Sanay inyo ring marinig ang mga huni ng mga ibong nawalan ng tirahan, Sa pagputol nyo sa kanilang pinapangalagaang tahanan. Na sa bawat pagbuka ng bibig ay ramdam ang bigat na kanilang dinadala't, dinaranas Sana'y pagbigyan kahit minsan lamang Ang hiling ng bawat nilalang.
Ang buhay ng tao ay tulad din ng mga ibon sa kapaligiran, malayang pumili,malayang maglakbay, malayang piliin ang gustong tahakin sa kani-kanilang buhay. ngunit may ibang ipinagkaitan labag man sa kanilang kalooban tuloy padin ang laban tungo sa magandang kinabusan.
Sana'y imulat nyo ang inyong mga mata Pakingan ang mga hinaing ng mga taong pi'lit makamtan ang magandang umaga. Ngunit may narinig ka ba? Hindi ba't wala?! Hirap man, pagod, at walang makain. Pero ito ba ang basihan? upang sila'y pagkaitan ng pag-asa.
Tulad din ng mga ibon sa malawak ng karagatan, gaano man ito kalawak, gaano man sila katagal maghanap, Magtyaga't, maghintay, magtiwala ka lang dahil ang bukas ay hindi natatapos ngayon, kundi magsisimula pa lang ulit bukas.
Humayo ka't ipagaspas ang iyong pak-pak, lumipad ka't abotin ang iyong mga pangarap. Lipad munting ibon huwag kang huminto't ibangon muli, ang minsan mo ng nasirang tahanan
Tulad din ng isang ibon, maging malaya ka't maging masaya.