Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

" TARA KAPE "

by Paudebelen

Gusto mo kape? 'O gusto mo tayo nalang,puwede 'O Teka,biro Lang Pangako kape lang talaga,Tara na Ano bang gusto mong lasa? Matamis ba? Para kahit sa pagtimpla nalang ng kape ko ibabawi yung lasa ng nais ko sa iyo'y ma-ipadama Gusto mo ba'y Matabang? 'Yung wala ng lasa 'Yung wala ng pag-asa 'Yung kulang sa timpla Dahil napagod na. 'O baka Gusto mo naman 'Yung sakto lang 'Yung kahit may gusto kang iba Ako'y patuloy paring aasa At kahit mangawit man ng sobra At magpawis man ng kakaiba sa kakahintay, Sa akin ay ok lang Kahit ako'y kaibigan lang naman,Mahal Basta ikaw At kung ang sagot sa lahat ay pag-papakatanga Sigurado ako ang nangunguna. 'O baka gusto mo ng 3 in one? 'Cause you want me to be your number one fan Just like my favorite man Superman Spiderman And maybe a man of mine Nako ano ba yan! Ano ba talaga gusto mong lasa? Ayoko ng manghula pa Kaya sabihin mo na Para di nako mahirapan pa na Ipagtimpla ka pa. Ah alam ko na! Gusto mo rin ba yung lasa tulad ng aking pag-timpla? 'Yung nag-kakasalubong yung tamis at pait ng kapeng barako Oo Kapeng barako Parang tayo Kapag ang mga mata nati'y nag-tatagpo na akala mo naman ay may salitang tayo Kung nakakapag salita lamang ang ating mga mata Sigurado Bistado Aminado  na gusto natin ang isa't-isa. Pero Teka,Kape lang ba 'to talaga? 'O meron pang iba? Sabihin mo na Para hindi na ako umasa pa na mahulog ka pa. Tara kape pa Para makasama pa kita Ang sarap lang ma-upo kasama ka sa ating tambayan Kasabay sa pagtanaw sa ating kalawakan. 'O kay sarap sa pakiramdam noong sandaling  ika'y aking mahagkan At batid kong ito'y panandalian lamang, Kaya Tara kape lang Kahit walang aminan Dahil alam ko naman na Tayong dalawa'y malabong mag-katuluyan.
Request permission to use this poem
Written by
Paudebelen
23 / Nueva ecija, sta rosa
For You?
Written by
Paudebelen
23 / Nueva ecija, sta rosa
Published
Feb 21, 2021
Time
3m
Permission

Request to use this poem

Tell Paudebelen how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write