Pilipinas anong nangyayari sa'yo? Ang dating bayan ng matatalino. Bakit, lahat ata ay nawala na sa huwistyo. Ginagawang biro pandemyang ito.
Huwag po sana tayong ningas-kugon. Noong una lamang magaling ang pagtugon. Ngunit naging suwail at pabibo ng naglaon. Sige lang, hanggang lahat na tayo nakabaon.
Hindi ninyo ba talaga alintana? Ang sa ating lahat ay nagbabadya. Kalabang di nakikita, sakunang nakadamba. Walang malakas, walang mayaman lahat tayo ay biktima.
Hindi ba kayo naaawa sa mga bata at matatanda. Idagdag nyo pa ang mga may sakit na madaling mahawa. Maaaring ilan po sa kanila ay iyong kapamilya. Tumahan ka po sa bahay para sa kanila.
Tulungan po natin ang ating lingkod bayan. Mapa Sundalo, Doktor, nars o basurero pa yan. Huwag nating dagdagan hirap na kanilang pinapasan. Huwag na nating ilagay buhay nila sa kapahamakan.
Huwag na po nating antayin lumalim. Hanggang masaksihan ang di kakayaning lagim. Magdadala sa ating buhay at bansa sa takipsilim. Pakiusap, tayong lahat ay magdasal ng taimtim.
Labanan po nating lahat ito, Kapwa ko Pilipino. Iyan ang lahi ko at lahi mo. Diba likas sa atin ang pagiging matatalino. Ngayon natin patunayan ito.
Sumunod na po tayo sa Gobyerno. Simpleng utos na kayang sundin ng kahit kanino. Wag na pong lumabas ng bahay ninyo. Kung di man lang importante ang rason nito.
Sumunod na po tayo, Please lang Ang makukulit ay babarilin, BANG BANG Para kang latang nasipa, TANG TANG Andyan na ang sundo mo, **** ****
Siguro nga kailangan na ang Kamay na bakal. Para ang mga suwail tuluyang masakal. Ang rason ay masarap ang bawal. Kaya pati buhay ng iba ay isusugal.
Huwag na nating pabayaan, Inang bayan. Matatalo lamang itong kalaban. Kung tayong lahat ay magtutulungan. Bagkus na magturuan at magsisihan.