siyam na letra ang "mahal kita" dalawang salita na di ko makakaila. hindi man ako bihasa, sa mga matalinhagang salita. nais ko lamang ipadama dito sa maiksing tula.
gusto ko ilahad ang hindi mapaliwanag nais nang matapos ang paghihirap. magiipon ng lakas, kahit pwede ito ang maging wakas. pipiliin sumugal at ang puso'y itaya. hindi mo man maibalik ang mga salita.
oras at sandali ay akin pang naalala nung buong loob sinambit na "mahal kita" balintataw saking mata agad nadama. nung sinabi mo saaking "pasensya kana".
para akong pinilas na pahina sa libro na ikaw ang may akda mga mata'y di na nag tagpo ngiti mo saakin biglang nag laho.
masakit pala.. kahit pa handa ka pero ang sabi nga ng iba kung mahal mo sabihin mo panalo ka man o talo.