Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2020
Siyam na buwan ng nakakaraan
Simula ng ako'y makipagsapalaran
Sumabak sa giyerang utak ang panlaban
Kaagapay ang puso bilang puhunan

Sa simula tila mahirap at imposible
Ngunit kalauna'y unti-unting naging simple
Naipamalas pagiging maagap at responsable
At nagsilbing magandang imahe

Unang karanasa'y hindi biro
Pagka't iba't-ibang bata nakakahalubilo
Idagdag pa ang asignaturang malayo;
malayo sa pinagaralang apat na taong 'di biro

Araw-araw pumapasok para magturo
Gabi-gabi inaaral ang makapal na libro
Upang kinabukasa'y maibahagi ito
Sa mga batang uhaw sa pagkatuto

Ngunit sadyang tadhana'y mapaglaro
Pagkat sinubok aking pagiging ****
Sinukat haba ng pasensiya ko
Kung ako ba'y magtatagal sa propesyong ito

Iba't-ibang ugali aking tiniis
Makamtan ko lang ang aking nais
Landas ng mga bata'y 'di malihis
Patungo sa kanilang mithiing ninanais

Kaya naman ngayong tapos na aking tungkulin
Hiling ko lamang sila'y may natutunan sa'kin
Kahit ako'y hindi na alalahanin
Ang mahalaga'y may inani sila mula sa'kin.
Written by
Roninia Guardian
541
 
Please log in to view and add comments on poems