Isang pintuan ng mahihiwagang dekorasyon Palamuti, anong nasa likod na impormasyon Sa'yo ipaglalaan ang aking buhay na hiram Nais balang-araw ay tawagin kang hirang
Di sapat ang aking tayutay upang ang sagot ay dumulas Pangatlong katok ko na ito't 'di parin nagbubukas Ikaw ay isang bugtong na nais kong matuklas Kung hinde, ang aking buhay ay habang buhay na undas.
Ako'y ligaw na kaluluwa, 'di alam kung sino Ako'y ligaw na kaluluwa at baka ikaw ang paraiso May pagnanasa sa paglapit subalit ayokong maka abala Ako'y nababaliw sa'yo kahit hindi kita kilala
Ang iyong ngiti ay bukang-liwayway sa mundong mapanglaw At ang iyong buhok ay mga alon sa dagat na bughaw Kung kulangin man ang ginawa ko na tula Handa akong gumawa ng isang daan pa
Hayaan mo akong lumapit, sa kung nasaan ka man At pangako sa 'yo ako'y tahimik lang Subalit hindi titigil hanggang mapunan ang patlang Pakiusap, hayaan mo akong umusad kahit isang hakbang lang.