Kaynipis ng hangin sa paligid Kahit pa bentilador ay nakatutok sa magkabilang gilid Nangangamba sa mga taong kasama sa silid Naway tiyak nga ang aking lingid
Ngunit di nagsisinungaling ang mga senyales Kahit na hindi na isulat pa sa papeles Tiyak ang paghinga na may pagtitiis Na tila inaagaw ang hangin na kay nipis
Pinarurusahan nga yata ako Sapagkat sobrang nakalimot na nga ako Maging sa pagkain nauuna ang subo ko Kaysa pasasalamat at dalangin ko
Tiyak na nga, tiyak na nga... Masakit ang ulo sa paghiga Barado ang ilong magkabila At pang amoy ko'y wala na nga
Ako ba ay makatatagal kaya? Tanong sa isip na nawawala Sa wasto dahil masakit na nga Diyos ko bahala ka na nga!