Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Isang Oras

Hindi na ikaw ang gusto ko Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko Sa twing nakatingin ako sa sayo. Ayaw ko na ng mga mata mo. Ayaw ko na ng mga ngiti mo. Ayaw ko na ng lahat sayo. kibit balikat nalang ako At hindi papansinin ang nararamdaman ko. Parang normal lang. Gaya nung wala pang ikaw. Kaya ko nung wala pang ikaw Nagulo lang nman ako nung may ikaw. Kasi nung may ikaw Para akong baliw. Baliw na laging nakangiti Nakatingin sa langit Iniisip ka palagi Ayaw ko na non. Kaya aaraw arawin ko na to. wala ng atrasan to. kakayanin ko kase malakas ako.   Kahit nakatingin ako sayo ngayon. Ngayon. Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko Bakit ikaw parin ang gusto ko. ultimo Sa pagising sa umaga pag papasok excited pa kasi ikaw ang bungad sa mata ko. tapos makukunteto sa sandali. kuntento sa sandali? HINDI kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo “pasulyap sulyap” Ibig sabihin Segundo Pero sa bawat segundo ng isang oras na ginugol ko Ang gusto ko tumitig lang sayo   Sa mga mata mo, sa ngiti mo Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo Tanggap ko. Kasi ikaw parin ang gusto ko Ikaw ang gusto ko. Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba Kaya sinunod ko sila Pero sa twing ikaw ay makikita ko Para akong nasa madilim na kwarto na tanging ilaw mo lang ang hindi sarado. Sa mga sandaling yun Walang ibang gamit Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat. susubok na kong magsalita pero lumalayo kana tinawag ka ng kaibigan mo, dahil ang oras ay nalalapit na.    Patapos na ang sandali at biglang may nagkamali pagkakataon ko na muli hakbang tatahakin na ang daan palapit sayo pero tinawag kana muli ng mga kaibigan mo. habang humihiling ako madagdagan lang kahit limang segundo. Pero sa oras  na yun ikaw ang unang lumabas ng silid Wala ng sandali hindi dininig ang hiling ko Tapos na. Ang huling isang oras ko sayo.
Request permission to use this poem
Written by
john-michael-andres
22 / M / Philippines
For You?
Written by
john-michael-andres
22 / M / Philippines
Published
Mar 24, 2023
Lines·Words
72·338
Permission

Request to use this poem

Tell john-michael-andres how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write