LDR man ang ating relasyon Cellphone man ang ating komunikasyon Hindi ako gagawa ng isang rason Para masira ang ating pundasyon Pangako sayo di mapapako Na hindi ako magbabago Wag kalang mawala sa buhay ko Kasi ikaw ang dahilan ko Sa pagiging masaya ko Sa pagiging malakas ko At nilalabanan ang dumarating na pagsubok dito sa ating mundo Magiging matatag ako Para lang sayo Kasi ikaw ang dahilan ng pag ikot ng mundo ko Kasi ikaw ang bagay na di kayang tumbasan ng pera Di kayang higitan ng kahit anong magaganda Kasi ikaw ang bituin Na mahirap sungkitin Ikaw ang taong mamahalin Na di kayang bilhin Na ngayo’y na sa akin Na aking pag iingatan Na poprotektahan Sa oras nang kagipitan Kaya sana ganun ka din Tapat ka rin Sa akin Kasi ako’y ganun din Alam kong darating din Ang tamang panahon Na tayong dalawa’y pagtatagpuin Landas ay pag iisahin Oras ay paghihintuin Ang pag ikot ng mundo’y patitigilin Para lang tayong dalawa’y pagsamahin Kaya tiwala’y wag nating alisin Nang sa ganun Di tayo mauwi sa hiwalayan. #ManunulatPh.