Sa t’wing sasapit ang sariwang umaga Ang himig mo ang aming ninanais marinig Hinihintay ang hagkan sa umaalpas na luha Nagsusumamong mahaplos pagod na tinig
Inang Bayan, paumanhin sa aming sinapit Bagamat nakatakas noon sa pagkakatali Panibagong gapos ang mahigpit na pumilipit Ngayon nga’y ang lahat ay muling nahahati
Kaya sa iyong kaarawan, maaari bang ika’y humiling? Kaayusan ng bayan, nawa’y makamtan namin Daop-palad, kami’y paglapitin at pagbatiin Gulo sa bawat puso’t isipan, sana’y pawiin
Katulad ng kahapon, ang dilim ay matatapos Bukang-liwayway ay muling masisilayan Ganoon din sana, ang tunay na kalayaan— Muling masisilayan.