patawad patawad kung natakot ang mga balikat ko. kung wala silang lakas ng loob upang pasanin ang bigat ng mga kwento mo. alam nilang mangangalay sila at baka hindi ako patulugin sa sakit, sa pangamba, sa pag-aalala. nababahala ang kanan, ang kaliwa silang dalawa kaya patawad;
patawad kung inalagaan ko ang lamya hindi mo makakapitan ang mga buto dahil sa rupok dahil sa walang kasiguraduhan dahil takot sila sa pusok hindi kongkreto ang pundasyon at inisip kong 'wag sila ialok sa'yo. kaya patawad;
patawad kung walang tamis ang mga pangungusap. tinanan ka ng matatabang na salita sa kawalan at wala silang balak na bumalik. iniwan kang nakalutang sa ere; nag-iisip, nanabik sa ginhawang mailap. kaya patawad;
takot lang ang mga balikat na ito na maging makasarili. ayaw lang nilang sumandig ka sa pader na nagdadalawang-isip.
kaya kapag dumalaw muli ang gabi na kailangan **** ihilig ang sarili mo, handa na sila