Pilit inuunawa takbo ng tadhana At mga pangyayari na pilit winawari Sa aking mundong ginagalawan Tadhana'y pilit kinakalaban Upang mga pangako'y manatiling buo At hindi kailan man mapapako
Ikaw ay aking nakapiling Sa ilang araw na nagdating Saksi ang buwan at bituin sa aking hiling Na sanay hindi dumating Ang araw na ika'y mawala sa aking piling
Iyong pangako ay aking panghahawakan Kahit minsan ako'y nasasaktan Sa mga araw na iyong kinukubli Iyong kataohan sa akin
Teka teka sino nga ba ako? Ano nga ba ako sayo? Mga nangyayari'y napakagulo Pilit kong inaayos ang lahat At iniiwasan kung sino ang dapat Ngunit bakit parang hindi sapat?
Kailan kaya masasagot aking mga katanungan? Na kadahilanan ng aking minsang paglaho Kailan ko kaya makikilala ang iyong buong katauhan? Na kadahilanan ng aking pagiging toliro
Minsan kana ba nahulog sa taong estranghero ngunit hindi napigilan kaya lalong lumalim?