Mabilis na bumabaha ang pagpatak ng bawat sandali Bagamat bumubuhos ang takot at panghihina sa sugatang katawan Pilit kong iniangat ang aking kanang kamay Hawak ang kapirasong tangkay ng kahoy Itinutok ko iyon sa bagay na nasa aking harapan Magkahalo at magulo ang emosyong nagtatalo sa aking isip Hindi ko maunawaan kung ito ay galit, takot, pagsisisi, panghihinayang o pagkasuklam. Ngunit isa lamang ang nabuong hinahangad ko Ang dalhin sa aking kamatayan ang bagay na ito!
Ngunit bumasag sa akin ang masakit na realidad Ako'y mahinang nilalang at walang silbi! At kahit punuin ko ang mundo ng aking luha Hindi mababago ang katotohanang iyon!
Napakasakit at nainit na mahapding tumatagos sa aking puso Ang katotohanang may kasabay na pangungutya at panlalait! "Hanggang sa huli talunan pa rin ako... Hanggang sa sarili kong panaginip napakahina ko pa rin"
Kasabay ng pag patak ng sandaling nawawala ang kamalayan Bumukas ang itim na pintong lumitaw sa kawalan Isang kabayong itim na may sakay na may dalang karit ang lumabas Ako'y sinusundo na pala ni kamatayan
Ang liwanag sa aking paningin ay unti-unti nang napapaparam At ang mga ala-alay bumabalik na tila namamaalam Ang tanging hinihiling ay sana'y maka balik pa sa mundong ito. Kung papalaring magising sa aking mundo bago ako pumarito.