Ang bawat simula na syang aking pilit na binabalikan Ang araw at kaganapan na kung saan tayo unang nagkabanggaan Mukha **** puno ng pag-aalala na tila isang larawan- kay hirap nitong ipinta Ang iyong tinig na Kay sarap sa tenga Ang mga ngiti na ayaw na mawaglit sa akong isipan O baka naman ang iyong pabangong akin parin natatandaan Alin nga ba sa mga iyon? Tila lahat ng mga ito'y kay hirap kalimutan Ang mga tawanan sa mga sumunod pang mga kaganapan Ang mga pinag-uusapan sa lugar na nagsilbi narin naging tagpuan Kay sayang balikan ang mga ala-alang nais ko nang kalimutan Mga ala-alang kay saya sa umpisa na sya ring nagdulot ng matindin agos nitong mga luha Sa mga gabing tila ayaw akong palayain mula sa rehas ng mga ala-ala Ang syang dahilan ng mga nagmumugtong mga mata Kaytamis pakinggan na tulad ng tula Bawat umpisa ay napakatalinghaga ngunit hindi lahat ng mga salita sa wakas ay nagkakatugma