tila mga ligaw na paru-parong tinutunton ang halimuyak mo matagal na palang lumipas may iba nang namamalagi dito
malimit nang lumangoy sa dagat ng alaala hindi na rin lumiliko sa maling kalsada ngunit bakit tinatanong sa hangin kung nasaan ka? madalas pa rin palang ikaw ang ninanais makita.