Noong araw ng aking pag alis Hindi maipaliwanag ang pagtibok na kay bilis Kasabay nang bawat hakbang ng aking mga paa Ang naguumapaw na takot at kaba
Ngayo’y nakalipas na ang ilang buwan maraming araw na ang dumaan Subalit, tila hanggang ngayon Masyadong mabilis ang pagdaan ng panahon
Pilit na hinahabol ang takbo Upang makasabay sa mga kasalukuyang tagpo Ngunit, masyadong mabilis Hagupit ng pagbabago’y nagmamalabis
Buong akala’y natanggap na Pero damdami’y nagpapanggap lang pala Sapagkat sa tuwing sasapit ang gabi Mananatiling tikom ang mga labi Habang ang mga luha’y isa-isang pumapatak At ang mapag panggap na mukha ay dahan dahan nawawasak
Ang mga alaala’y unti unting bumabalik Na tinatapik ang puso ng isang batang nananabik Na bumalik sa mga bagay na nakasanyan sa nakaraan Kahit na ang susunod na pagkikita’y walang kasiguraduhan
Hanggang kailan mangungulila sa buhay na kinagisnan? Hanggang kailan hahanap hanapin ang dating tahanan? Matatanggap pa ba ang reyalidad na hinaharap? O makakasanayan nalang hanggang sa makalimutan ang hindi matanggap?