Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

HANDA (tagalog)

Handa ako sa mga titig mong magpapabilis ng aking puso, Sa init na hatid ng mga yakap mo, Sa halik mong magpapatigil ng aking mundo, At sa mga masasayang ala-ala na tayo ang bubuo. Handa din ako sa mga araw na sasakit ang ating tiyan sa kakatawa, Sa mga gabi na aalagaan ka kapag nalasing ka, Sa mga panahon na kailangan natin ang isa’t-isa, At sa mga oras na bumibilis kapag ikaw ang kasama. Pinaghandaan ko din ang mga pagsubok na ating pagdadaanan, Ang mga di pagkakaintindihan at tampohan, Mga maliliit na bagay na ating pag-aawayan, At mga masasakit na salitang pwede nating mabitawan. Pinaghandaan ko lahat ngunit… Di ko napaghandaan ang paglamig ng iyong mga titig, Ang pagkawala ng sigla sa iyong mga ngiti, Ang pagdalang ng iyong lambing, At ang unti-unti mong paglayo saakin. Di ako handa sa tuloyan mong paglisan, Sa paglimot ng boses na nakasanayan, Sa pagtapos ng ating sinimulan, At sa mga ala-ala na hahayaang mabaon ng nakaraan. Sana una palang hinanda ko ang aking sarili, Sa posibilidad na ika’y di mananatili, Na hiram lang pala ang bawat sandali, At sa huli maiiwan lang din akong sawi.
Request permission to use this poem
Written by
MissOlga
25 / F / Japan
Published
Apr 23, 2020
Lines·Words
31·192
Permission

Request to use this poem

Tell MissOlga how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write