Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2020
Mahal, napakasarap sa pakiramdam ko noon ang isipin na tayong dalawa ay aabot sa panibagong taon.
Ngunit hindi pa pala ito sigurado.
Dahil sa pagwawakas ng taong 'yon,
Ay siyang pagtatapos na rin pala ng ating relasyon.
Mahal, hindi ko inakala.
Hindi ko inakalang magagawa mo kong iwan.
Hindi ko inakalang magagawa mo kong saktan.
Hindi ko inakalang ang huling araw ng taon, ay huling araw na rin ng pagsasama natin sa isang relasyon.

Mahal, bakit mo ako iniwan?
Bakit mo ako inayawan?
Mahal ika'y aking inasahan,
Sa mga pangakong iyong binitawan.
Ikaw ang dahilan ng aking kaligayahan.
Ikaw ang dahilan ng aking paglaban.
At sa di ko inaasahan,
Ikaw rin pala ang siyang dahilan ng aking kalungkutan.
Ano ba ang dahilan ng pagsuko mo sa ating pinagsamahan?
Dahil ba meron ka ng bagong kaligayan,
O bagong kasintahan?

Umabot ang ilang buwan at nagkukulitan parin tayo.
Binibigyan mo ko ng motibo na ika'y babalik.
Teka, binibigyan mo nga ba ako?
O ako lang talaga ang nagbibigay ng kulay sa bawat kilos na ginagawa mo?
Mahal, babalik ka pa bang talaga?
o hindi mo lang talaga ako maiwan dahil may kailangan ka pa?

Mahal, sabihin mo na ako na ang nagmamakaawa.
Dahil ayoko nang masaktan at umasa pa.
Ayoko nang umiyak muli sa parehong dahilan.
Parehong dahilan ng iyong paglisan.
Paglisan na kahit ilang buwan na ang lumipas, ay hindi ko magawang limutan.

Mahal, paano na ang mga plano natin?
Paano na ang mga pangarap natin?
Paano na ang mga pangako natin?
Paano na ang mga memorya natin.

Mga memoryang nagsisilbing matinding kalaban para sa akin,
Dahil hindi ko ito magawang lisanin.
Sapagkat ang mga ito na lamang ang natira,
Memorya nung mga panahong ikaw pa ay akin.

Naalala ko bigla,
Kung saan tayo unang nagkita,
Kung saan tayo unang nagkakilala,
Kung saan tayo unang nagsama,
Kung paano tayo nagsimula,
Kung paano tayo nagmahalan na tila ba wala ng hangganan.

Pero sa hindi ko inaasahan,
Ikaw rin pala ay lilisan,
Ang mga pangako rin pala ay mabibitawan,
Masakit man sabihin ang huljng katagang ito,
Ngunit, paalam na mahal ko.
Lianne Guevarra
Written by
Lianne Guevarra  14/F/Quezon City
(14/F/Quezon City)   
750
 
Please log in to view and add comments on poems