Sa hinagpis ni inang kalikasan Tila tayo ngayo'y napaparusahan Sa paglaganap ng epidemya na mahirap lunasan Buong mundo ngayon ay nahihirapan
Sa kalamidad at krisis na ngayo'y ating hinaharap Na napakasakit at sadyang masaklap Sangkatauha'y ngayon ay naghihirap Buhay ng isang tao'y kayang mawala sa isang iglap
Ngunit kung sa atin ito'y isang salot Sa inang kalikasan ito'y nagsilbing gamot Na tila tayong mga tao ang totoong salot Dahil sa pagkasira ng ating mundo na tayo ang may dulot
Naway sana ito'y magsilbing isang aral na ating matutunan Inang kalikasan atin mahalin at pahalagahan Dahil itong mundo'y ating tahanan Kaya dapat lang natin itong pag ingatan.