Ibubulong sa hangin ang hiling na paghilom Sikip ang mga alaala sa iisang kahapon Maglalakbay sa hardin kung saan nagtagpo Nais nang tumalikod ngunit paano
Dadapo na parang isang paru-paro Sa mga talulot na nasa palad mo Iidlip sa ugoy ng hanging malamig Liwanag ng ‘yong ngiti’y baon sa pagpikit
Tinatangay ng agos ang bawat hibla ng alaala Ngayong gabi ika’y talang tinitingala Hihimbing kaya ako sa aking pahinga Kung kabisado pa rin ang hulma ng iyong mukha