Sa mahimbing kong pagtulog Dahil sa puyat at pagod Umidlip at sinarado Sa paligid ko’y hinayaang Saglit ay isarado
Sa maingay na paligid Akala ko’y isang panagip Na ang tinig mo na nadirinig Sa mahimbing kong pag tulog Ay gumising
Pag tingin ko sa relong aking binabantayan Oras na nga palang pumasok Sa klase kong inaayawan Pag mulat ko at pag tayo Ng maputla kong labi at muka Ariyan ka pala talaga
Napaka linaw pa saaking alaala Lagi mo nga pala akong Nakikitang natutulog , sa unang pagkikita Natatawa , humahagikhik Kahit pala tapos na tayo’y Muli , madidinig iyong malambing na tinig
Mga alaalang bumalik Sa unang pag uusap Saaking pag-gising Sa pag tulog kong mahimbing
Pag gising ko’y kasabay ng pag tumba Pakiramdam ko’y nariyan ka pa Puso kong tulog at natakot ng mahulog pa Muli naka ramdam ng saya Dahil kahit papaano May pakialam ka parin pala sinta
“Andyan na prof niyo, kakapasok lang” Mga salitang binanggit **** saglit Gusto kong ngumiti ngunit nahihiya ulit Pero salamat , dahil narinig ko muli iyong tinig Na nag paalala saakin Na bukod sa orasang aking binabantayan Kailangan ko ng pumasok Sa klaseng mag papalimot saakin Ng iyong ala-ala sinta.
Muli.
This poem is dedicated to “my almost” / TOTGA dear , im sorry . Sabi ko sa sarili ko hindi na kita gagawan ng tula pero nagawan ulit kita