Nagsimula sa isang kwentuhan Hanggang umabot sa biruan Nakangiti, nakatawa na parang walang problema Lumulutang sa ulap na may saya.
Minsan sa pag-uwi magkasabay Nakaalalay at hawak hawak ang aking kamay Ang iyong labi na ma pula-pula Ang mga matang kumikinang sa akin ay nakatingin pa.
Dumating ang gabi ikaw ang iniisip "Kamusta na siya?" yan ang nasa isip Agad-agad kinuha ang telepono Tinawagan na walang alinlangan ang maginoo.
Hindi namalayan umabot na ng umaga Mga kwentuhang napakasarap sa tenga Mga halakhakan at tawanan nating dalawa Basta't kausap ka, walang lungkot na madarama.❤️