Nagsimula sa isang hapunan Hanggang umabot sa masarap na kwentuhan Hindi namalayan ang oras Hatinggabi na't tuloy parin ang tawanan.
Pagkikita ay nadugtungan Muli ay nagkayayaan Kain dito, gala doon Ikaw at ako magkasamang nagbibiruan.
Kasama ka sa pag-uwi Kasabay ng musika paulit ulit naririnig Hindi namalayan ang oras Makasama ka lg walang lungkot sa labi.
Labis ang lungkot sa iyong pag-alis Mga boses at ngiti **** nakakasabik Mga matang mapungay at labing mapula Sa isip ko ay laging nakapinta.
Pero mahal, ako'y nasasaktan Nasasaktan sa maling pagmamahalan Pagmamahalan sa maling panahon Panahon na sinusubok ng pagkakataon.
Sa iyong pag-alis ika'y may hiling Ika'y huwag kalimutan at ang mga alaala natin Natulala at hindi na alam ang ibibigkas Pero pangako mahal, ako'y andito lang hanggang wakas.