Andito na naman ako Magsusulat na naman para matandaan Mga pangako na minsan mo binitawan Nagtatampo at nasasaktan Nasaan ka? Bakit hindi kita maramdaman?
Natatandaan mo pa ba yung pangako mo? Pangako mo na mananatili ka sa tabi ko? Sinabi ko sayo na aalis na ako Na ayoko na at sumuko na tayo Pero nanatili parin sa piling ng pareho.
Mahal, alam natin saan tayo lulugar pareho Kung hanggang saan lang ang meron "tayo" Pero ang pangako mo na hindi mo ako pababayaan nasaan? Naglaho na ba at tuluyang nakalimutan? Nakalimutan o hindi mo mapanindigan?
Hindi mapakali't nanghihinayang Mga binitawang salita at nararamdaman Pilit binubura lahat ng ugnayan Ugnayan na nabuo sa pag-iibigan Hanggang umabot sa desisyon na wakasan.
Mga pangako natin sa isa't isa Napako at nawala na Tila ba kay bilis lang uli mapag-isa Yung sakit na hindi ko maramdaman noon Ay unti unti ng yumayakap sa akin ngayon.
Mahal, salamat sa masasayang araw natin Mga araw na nabuo ng masarap na salita sa atin Larawan mo na hindi makakalimutan Haplos at yakap mo na hindi mapantayan At sa mga pangako na iyong binitawan.
Salamat sa masasayang kwento Na itatago ko hanggang dulo Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko Masayang alaala ng babaunin ko Ito na ang dulo na kayang tanggapin ng puso ko.