Kay gandang tanawin ng iyong ganda. Kay sarap pagmasdan, ngiti ng yong mga mata. At sa bawat sulyap mo, mundo ko'y humihinto. Sabay ng pag bilis, pintig nitong aking puso.
Ako may kinakabahan sa twing' nakikita ka. Hindi naman nito napapawi, tuwang aking naipipinta. Huwag lang sana umiwas sa akin o sinta, Tiyak namang pag-ibig, itong aking nadarama.
Ipagpatawad mo minahal kita agad sabi ng kanta. Ngunit syang tunay, ito ang batid ko sa twina. Malabis man na kabilisan, itong aking pagsinta. Pangako ika'y iingatan, saksi man ang mga tala.
Sa bawat taludturan ng tula kung ito. Ipinababatid ko, ang pag giliw ko sayo. Ngunit kailan ma'y, hindi aasang susuklian mo, Mabasa mo lang ito'y, lubusang ikasisiya ko.
Ito yung tula na inialay ko sa kauna-unahang babaeng binigyan ko ng bulaklak. Pero hindi rin naman nagtagal ang pag-ibig, nawala at naglaho.