Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jan 2020
Mahal kita 'yan ang iyong pakatandaan,
Mahal kita 'yan ay iyong pakaingatan,
Mahal kita at ikaw ang hiling ko sa walang hanggan,
Mahal kita maging sino ka man.

Hindi mo man ako mahalin 'yan ay aking tatanggapin,
Hindi mo man ako pansinin na tila ba'y isang hangin,
Hindi mo man masuklian ang nilalaman ng aking damdamin,
Ikaw pa rin sa puso ko ang aking mamahalin.
Written by
Rekusasu
  138
 
Please log in to view and add comments on poems