Sa kanyang himig ako'y nahahalina Magkasintunog ng mga ibong malaya Umiindayog sa puso ko't pagsinta Misteryosong dilag, sino s'ya talaga?
Sa tuwing napapanood 'y anong ganda Mata'y matimyas na tala sa umaga Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya
Manipis ang labing kakulay 'y makopa Malamyos ang tunog ng bawat salita Halik ng anghel ang dapyo ng hininga Halimuyak ay buhay, di nawawala
Kahit panlalaki ang gayak at porma Na kanyang ginampanan sa prima donna Munting lawiswis na lupaypay 't mahina Nang lumaki'y diwata sa encantadia
Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama Madalas ay namumugto ang mga mata Kapag nasisilayan s'yang lumuluha
Huwag sana pabugso bugso't pabigla Ang tibo niyang pangungusap at banta Sapagkat nababagha't natutulala Damdami'y pinamumugaran ng kaba
Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga Isang paraluman na ang kiyas 'y siga Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya Pinakamatapang na lahing Claveria
Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya? Sapantaha ko ay magalang na bata Binibini at dalagang Filipina May puring Perlas ng Silangan ng Asya
Lingid sa kamalayan nang napahanga Sa kanyang angking galing bilang artista Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa Sa makabagong tinikling, siya'y reyna
Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya Harap 'y pangarap na sinasalubong pa Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara, Kumikinang at nagbibigay pag-asa