Ako’y biktima ng tadhanang malupit, Sa tindi ng hagupit di alam kung saan kakapit. Minsan lang nabigo itong puso ko sa pag-ibig Parang gumuho itong aking daigdig.
Nang dumating ka at nakilala, Sugat sa puso’y unti-unting nawawala. Ano nga bang mayroon ka At puso ko’y napapatalon sa tuwa?
Paglipas ng panahon, sa tagal ng ating pagsasama Puso ko’y nakadama ng kakaiba Pakiramdam ko’y ligtas ako sa tuwing kasama ka; Pag-ibig na naman ba itong aking nadarama?