Lumipas ang mga buwan, ika’y di na nagparamdam, Pakiramdam ko’y lumalayo ka na ng tuluyan. Saan ka ba patutungo at ako’y iyo ng iiwan, Wala na bang halaga ang ating pinagsamahan?
‘Di na tayo tulad ng dati; Unti-unti nang naglalaho mga ngiti sa labi Sa isipa’y nagtatanong ano na ba ang nangyari? Kailan kaya kita makakasamang muli?
Pag-ibig mo ba’y tuluyan ng naglaho? Na binura ng kahapon at tayo’y pinaglayo. Ako pa ba’y dapat umasa Na ika’y muling babalik pa?
Hanggang kailan maghihilom ang sugatang puso, Na dulot ng nagdaang kahapon. Hanggang kailan maghihintay ang nangungulilang puso, Mga pira-pirasong puso na umaasang muling mabubuo?