Ang mga sagot ay nasa letra Ang luha Ang inis Ang dugo Ang init
Ang pintura ng aking maduming brotsa Ang mga espasyo na akala ay walang saysay Iyon ang mas nagpapalayo sa katotohanan
Sa siyudad na malaki, pero ang liit Parang nilakad ko na ang bawat sulok nito
Mahilig ako sa bagay na hindi lang madaanan O maiwasang daanan
Ang tinta ng aking espirito Itatak sa iyong santong puso
Malakbay sana magkasama Ang mga lumulutang na letra Samantalang ang boses mo na tulad ng awit ay nasa likod ng eksena
Malikhain ang gumuhit sa iyo Ang larawan **** mabait Mamantsahin ko Ng aking bahaghari Nawa hindi mawari
Wala dapat ang oras Parang picture frame tuloy ang buhay ng bawat tao Nandiyan lang Nakatago, nakatayo, nasa pader---nakapako Nadadaanan lang Isang titigan lang
Sa iyo, isang titig ay hindi sapat May nakatagong ginto Hindi pangkaraniwang ginto Ginto na hindi hinahanap ng lahat Ginto na hinahanap ko
Nagpapawis nang sobra ang aking mga kamay Maligoy ang mata Tumitibok nang mabilis pabilis
O Dios, saanman, makasalanang mansanas bumubunga ng sanlibong bulaklak Tinutuklaw nila ang aking lason
Wala na akong pake sa sagot Mapaakit ka hanggang mabili ka
Kahit hindi ka muna magsalita Hindi paliwanag sa mga titik Ang paru-paro at ang agila
Nilamon ang itim Namula ang bibig Puti ang langit Ubeng mata Kahel ang balat Bughaw na dugo Dilaw na anino Berdeng ilaw
Bangis ng indigo Samantalang sila ay abo
Maligo sa aking isip Taas na tingin sa mababaw na sahig Ito ang ating luho Zigzag man ang dating Kapag nabili na, wala ng tubig parating