Unti-unting naghahari ang dilim Sa sulok ng lumang kamalig Isang papel at lapis na hinahawakan nang mahigpit
At ang buwan ay sumisilong Sa anino ng mundo Batbat ng bituin ang langit Sa bulag na panganoorin
May galak na maiguguhit Sa kapintasan ng tinta Ang saysay ng buhay malilirip Sa kumukutitap na lampara
Lahat ay nakapiring Habang sa luklukan ang gabi Nalilingid ang katotohanan Ngunit maaaring isulat ng pipi
Luluha ang birhen Sa awit ng mga pipit Ang pagsasalaysay sa buhay Ay kapana kapanabik Kung may hirap at pasakit
Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis sa lumulubog na kapalaran Umaaninag sa pawid at Sa mukhang nagugululumihanan
Lumilipas ang sandali nang marahan Mahirap suyuin ang hangin Hindi madali ang mabuhay Magpatangay sana upang makalaya gaya ng lumulutang na saranggola sa habag ng gabi't tala