Siguro nga'y tayo lamang ang mga tao sa mundo, at ang mga ilaw sa daan ay disenyo lamang ng mga 'di nakikitang kamay, ang matamis na boses na nanggagaling sa kahon ay likha lamang ng ating mga isip, at ang mga katanungang pumupuno sa katahimikan ay guniguni na dulot ng magdamag.
Ang puwang ba na pumapagitna ay tulay o dingding? Ang dilim ba'y bunga ng gabi o dahil pareho tayong nakapikit?
Malabo ang lansangan sa likod ng salamin ngunit ngayon, sa bulang ito, lahat ay malinaw, totoo.